Tuesday, July 2, 2019

Pagguhit at Larangan sa Technical Draftng

    


      Ang Strand na Technical Drafting o TD ay nakatuon sa pagbasa ng kakayahan (Skills). Ano ang mga kakayahang maari nating matutunan sa naturang strand? At anong maaring oportunidad o trabaho ang maihahandog ng TD?

    Kalimitang naka pokus ang technical drafting sa pagguhit. Maaring pagguhit ng mga plano ng istruktura/gusali na tinatawag din na technical drawing o hindi kaya’y pagguhit ng mga makasining na larawan o artistic drawing. 

      Ang technical drawing ay nagbibigay ng panuto na dapat sundan bilang gabay sa paggawa ng mga istruktura halimbawa nito ay Floor Plan, Electrical Plan, Elevation, at Perspective. Ang technical Drawing ay pumapasok sa larangang arkitektura dahil ito ay nangangailangan ng sukat at naaangkop na pagguhit na kinakailangan sa pagbuo ng gusali.

     Sunod ang Artistic drawing na kadalasang nililikha upang hangaan at pahalagahan. Halimbawa nito ay ang tanyag na Mona Lisa ni Da Vinci at Starry Night ni Van Gough. Sa modernong panahon, kasabay ng teknolohiya ay ang pag unlad ng Artistic  drawing, halimbawa nito ay ang Digital Art at Graphics, ito ay  pagguhit sa  kompyuter na ginagamitan ng apps tulad ng Photoshop. Graphic artist, Animator, at marami pang ibang larangan ang gumagamit ng artistic drawing.

    Ang Technical drafting ay strand na nagbibigay oportunidad sa mga mag-aaral na nais maging arkitekto o artist. Ito ay magandang kunin ng magiging Senior High School students  bilang gabay sa pagkuha ng tatahaking kurso sa kolehiyo. Lalo na kung sila ay may puso sa pagguhit at sining.


ARTISTIC DRAWING

    Ang Artistic Drawing ay isang malayang pagguhit na kung saan walang sinusunod na patakaran at
maari mong ipahayag ang iyong nararamdaman,opinyon o suhestiyon sa isang partikular na bagay o pangyayari.

halimbawa:

iginuhit ni: Jovanne Frank Ibay
TECHNICAL DRAWING
       
           Ang Technical Drawing o Teknikal na pagguhit ay may malaking pinagkaiba sa artistik na pagguhit. Ito ay may sinusunod na patakaran gaya na lamang ng sukat. Ang pagguhit na ito ay detalyado at nagbibigay panuto.

halimbawa:
iginuhit ni:Joed Birung






No comments:

Post a Comment